Cafe Maria Jerica Once More!
Monday, July 16, 2018
You might remember me posting the same image on one of my posts two years ago. So eto na nga, we're here to find out if there's any improvement on their service and food overall.
Ayun na nga. Sa kakaisip namin ni jowa kung saan unli unli kami kakain last Saturday, dito kami dinala ng mga utak at paa namin. Di man kami makakain sa unli, at least dun na tayo sa presyong pang masa kahit yung orderin mo eh pangmasisiba.
WHAT WE ORDERED: Pasta carbonara, 12” House Special pizza, Nacho Bulto, Buffalo wings, 1.75L Coke
Sarap na sarap si Mayor! |
Pasta Carbonara for only P95. Masarap! Kaso yung pang-two nila kayang ubusin ng isa. |
Barbecue flavored buffalo wings for P150. Masarap - medyo messy lang. Tamang tama lang yung sweetness and medyo spicy nya. Per serving has 7-8 wings. |
Eto na nga mga ateh ang medyo disappointing.
“Kuya pa-follow up naman po nung nachos.”
“Ay lapit na lang po kayo sa counter. Di ko po alam eh.”
“Ah eh.”
So medyo init ng ulo ko mumsh! Go na lang ako kay isa pang kuya para mag-follow up. Etong una namin pinagtanungan di na sya bumalik ever. So bumalik na si second kuya sabay sabing wala na raw palang nachos. It broke my heart mga teh! Bakit naman nagpapaorder ng wala naman pala dun di ba.
Garlic parmesan buffalo wings! Masarap - kaso masyadong oily na messy kaya di nagtugma nung pinagsunod ko sila nung isang flavor. |
My rating:
❌ VENTILATION - kulang pa rin sa electric fan sila mumsh. Sana naman maginvest tayo dito para mas mapreskuhan sila customer.
❌ STAFF - madalang pa rin sila ngumiti. Iilan lang sa kanila ang ngumingiti. Makikisuyo ka pero nakasimangot sila. Medyo nakakahiya - so sino mag-aadjust?
❌ RESTROOM - takot na takot pa rin ako sa CR nila. Medyo tiis ganda talaga na wag magCR pag dito kami kakain.
So anong feeling ng nabuntis ng pizza at pasta? |
Nakarating ka na dito? Share your experience sa comments!

0 comments